200 Hygiene Kits, Handog ng OCD CALABARZON para sa mga Apektadong Pamilya sa Taytay
- Jul 25, 2025
- 1 min read
Bilang tugon sa epekto ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Emong at Dante, nag-abot ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON sa pamamagitan ng pamamahagi ng 200 hygiene kits para sa mga residenteng apektado sa Bayan ng Taytay.
Pinangunahan ang pamamahagi ni OCD CALABARZON Regional Director Carlos Eduardo E. Alvarez III, at opisyal na tinanggap nina Mayor Allan De Leon, Vice Mayor JV Cabitac, Board Member Papoo Cruz at mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan.
Katuwang sa paghahakot at pagdadala ng mga hygiene kits mula sa OCD CALABARZON warehouse ang mga kawani mula sa Police Regional Office Region IV-A at Taytay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa OCD CALABARZON at sa lahat ng ahensyang tumulong para matiyak na agad na makarating ang tulong sa mga nangangailangan.
















































Comments