top of page

1st Shop Taytay Bazaar: Showcasing and Bringing Taytay - Made Products to Places

Video Courtesy: Taytay Public Information Office

Dinala natin ang proudly Taytay-made products sa puso ng Metro Manila sa pamamagitan ng kauna-unahang Shop Taytay Bazaar na ginanap sa Megatrade Hall 1, SM Megamall, Mandaluyong City nitong Setyembre 12-14, 2025. Katuwang ang iba't-ibang ahensya, naisakatuparan ang noo’y pangarap lang na mas mailapit at maipakita ang gawang Taytayeño sa mas malawak na pamilihan.


Mahigit 100 booths ng fashion, food, at crafts ang tampok, na nagbigay-daan hindi lamang sa pagbebenta kundi maging sa pagkilala sa husay, sipag, at malikhaing talento ng ating mga kababayan.



Courtesy: Taytay Public Information Office & Mia Ynares


Dinaluhan at pinangunahan ang seremonyal na pagbubukas nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Congresswoman Mia Ynares, Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Mary Jean Pacheco, mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan, at Golden Fortune Textile CEO Enrico Sy—isang patunay ng matibay na suporta ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagtataguyod ng ating lokal na industriya.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page