10th Rizal Provincial Cooperative Congress 2025
- Taytay, Rizal
- Nov 6
- 1 min read

Sa ginanap na 10th Rizal Provincial Cooperative Congress 2025, nagsama-sama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Rizal noong Oktubre 27, 2025 sa Mother Francisca Hall, Siena College Taytay.
Napili ang ating bayan ngayong taon na maging host ng nasabing Cooperative Congress na naglalayong paigtingin ang ugnayan, kaalaman, at diwa ng kooperatiba sa buong lalawigan.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Na may temang “Mula Lokal hanggang Global: Kooperatiba ang Bida sa Inobasyon at Pag-unlad,” itinampok ang mga usaping nakatuon sa modernisasyon, entrepreneurship, at digital innovation sa larangan ng kooperatiba. Nilalayon din nitong palawakin ang kakayahan ng mga miyembro tungo sa mas inklusibong pag-asenso — hindi lamang sa lokal na antas, kundi maging sa pandaigdigang merkado.
Ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA ay patuloy na sumusuporta sa mga programa at aktibidad na nagtataguyod sa inclusive growth at economic empowerment sa pamamagitan ng kooperatiba.
































































Comments